Mula sa simula ng pandemyang Covid-19, halos ang lahat ay nagkaroon ng mga malalaking paglagpak kagaya ng kaguluhan. Makikita mo ito sa social media kung saan ang mga tao ay naghahanap kung sino daw ang dapat sisihin nito. Kahit ang media kung saan sila ay dapat tigilin ang mga tao na malulong sa kanilang pamahiin at delusyon ay sa masamang palad na nagiging medyo hindi maaasahan. Ilan sa mga media, tao o ang mga politiko din ay tinitingnan ang sitwasyong ito bilang isang politikal na bagay dahil mahirap ang pagkakaroon ng walang kinikilingan at lalong lumalakas ang simbuyo natin sa pagpahayag kumpara sa kaysa dati.
Marahil ito ay isang pangyayayari kung saan ang kalikasan ay may pinakamalaking kinalalaman nito. Dahil niyan, ang mga tao ay gumagawa o humahanap ng paraan sa paglaganap ng positibong paningin sa sitwasyong hinaharap natin ngayon. Mabuti namang nalaman ng tao na hindi ito ang simula ng Dystopia dahil may mga mas matitinding pagsubok sa nakaraan na nalampasan ng katauhan. Dahil alam nila iyan, masasabi natin na may makikita pa talagang pag-asa para paggawa ng kabutihan kahit medyo nabawasan tayo ng kakayahan sa paggawa ng bagay. Sa paggawa ng mga kampanya sa adbokasiya na may temang nagpapataguyod sa pakikipagtulungan, kooperasyon, o pagkakaisa, masasabi nating medyo nagkasundo ang ilang tao o bansa dahil hinaharap din nila ang kalaban sa dalawang panig na hindi magawan ng negosasyon. Dahil pinataguyod ang ganitong mga gawain, makikita talaga ang kabutihan na tiyak na makikita kung saan ito ay nagdudulot ng kabutihan hindi lamang sa mga tao kundi sa lipunan din kung saan hindi lamang ang pagkatao ang nabigyan ng pakinabang.
Nabibilang din ako sa mga taong gumawa ng diskarte sa pandemya. Nakadepende lang talaga ang antas ng kabutihang nabibigay ng mga ginagawa ng mga tao. Para sa akin, ang mga ginagawa kong kabutihan sa panahon ng pandemya ay may sari-saring antas talaga ng kabutihan na aking nadudulot. Dahil nakatambay na lang ako palagi sa bahay, nakapagdesisyon ako na gumawa ng renovation sa ilang kwarto dahil. Sapagkat medyo bumaba ang bilang ng mga pagtratrabahuan ko sa paaralan o anupamang gawaing hindi pambahay, dumadami din ang aking gawaing pambahay ngunit nagkaroon din ako ng pag-unlad sa aking kakayahan, kahusayan o talento sa ilang bagay. Masasabi ko na makabubuti ito sa aking pamilya dahil bawat pagbubuti sa aking mga gawa ay nakabubuti naman talaga kahit hindi talaga ito malaki kumpara sa dating paraan ko sa paggawa ng ilang gawaing bahay. Ilan sa aking pamilya ay may pagkabighani sa mga disenyo. Dahil madalas din silang gumamit ng social media, madalas din silang bibili ng mga pandisenyong bagay na naka advertise sa social media. Ang pinakahuli ngunit ang pinakamalaki para sa akin ay ang pag-aayos ng mga kagamitang nasa hindi mabuting kondisyon. Dahil inaapi ako ng aking pagkabagot, umaasa ako sa aking pag-ayos ng aking pag-ayos ng mga kagamitan at hindi lamang na nasolusyunan ko na ang aking pagkabagot kundi ginagawa ko din ang ilan sa mga kagamitan na magagamit muli ng aking pamilya.
May kontribusyon na akong nagawa sa aking pamilya. Paano naman yung komunidad na tinirhan mo? Ako ay nakatira sa isang subdivision kaya ang pagbigay ng suporta ay mas madalas dahil para sa aming mga kapitbahay ay mas makakatiwalaan ang kapitbahay nila dahil mas kilala nila ito at nagtutulungan din kami dati. Hindi naman kasinglaki ang suporta naming ibinigay sa isa't isa kumpara sa pambarangay na laki na suporta. Ang madalas na ginagawa ko sa pagtulong sa kanila ay ang paggawa o pagproseso ng mga dokumento kagaya ng pagsaayos nito, pagprint at sa pagkopya nito. Medyo marami naman ang nangangailangan ng serbisyong ito dahil sa mga gawaing pampaaralan at ang pangngailangan certificates at awtorisasyon ng mga tao upang magawa ang isang bagay. Tungkol sa mga tulong naman na ibinigay ng aming kapitbahay, halos lahat sa aming komunidad ay mga ibinenta upang hindi na kailangang lumabas sa "subdivision" ang mga tao na nagbibigay ng medyo malaking pagbawas sa tsansa sa pagkahawa ng Covid-19. Ngayon, ganyan lang ang pugtutulungan na umiiral sa aming komunidad, hindi naman talaga kami nagkaproblema sa mental, emosyonal o ispiritwal na paraan kaya hanggang iyan lang tulong na ibinibigay namin sa isa't isa.
Kahit may interaksyon ako sa aking komunidad, hindi naman talaga ako konektado sa lipunan sa pisikal na paraan dahil sa pandemya. Kahit sa social media din ay hindi talaga din aktibo dahil hindi talaga mainstream ang content na hinahanap ko sa social media. Minsan, gagawa din ako ng "advocacy and awareness campaigns" sa social media na minsan ginamit ng memes. Ginawa ko ito dahil kadalasan sa mga ito ay mga gawaing pampaaralan ngunit hindi naman talaga ibig sabihin nito na tumututol ako nito. Bilang isang tao sa Generation Z ay hindi talaga maiiwasan na maging gawi ang paglalaro online. Ilan sa mga komunidad sa mga larong ito ay napakalaki na maaaring maging uri ito ng isang lipunan lalo na ang mga tao ngayon ay mas madalas nasa bahay at maglaro dahil nababagot sila at hindi talaga madali ang paglabas sa bahay kumpara sa nakasanayan. Mayroong mga pagtatalakay naman sa isang bansa katulad ng pandemyang ito, westernisasyon, at ekonomiya dahil minsan may trades na mangyari sa laro. Syempre inrespeto namin ang mga opinyon ng ibang tao basta hindi lang ito balintuna ngunit ilan sa mga tao lalo na ako sa mas mababang antas lamang ay gagawa ng fact check sa mga isinabi nila upang maiwasan ang mapinsalang misinformation.
Hindi ko masasabi na kahanga-hanga yung mga ginawa ko dahil ang mga ginawa ng ibang tao ay nagdudulot talaga ng nakahihigit na kabutihan kumpara sa akin ngunit mabuti na lang na may kontribusyon ako. Sinasanay din ito ng mga ibang tao at balang araw ay magiging pangkaraniwang bagay din ito.Kahit hindi talaga ito nagbibigay ng kabutihan sa aking pananaw man lang, hindi ako nahihiya sa aking sarili sa paggawa ng mga ito. Hindi ko naman talaga naging bahagi sa pagpalala sa sitwasyon ngayon. Sa masamang palad, meron pa ring tao na delusyonal na sa tingin nila na may karapatan sila sa paggawa o pagkaroon ng bagay na hindi naman talaga karapat-dapat sa kanila at ito ay naging dahilan sa mas agresibong ugali na uuwi talaga sa kaguluhang idinulot ng bagay na hindi talaga dapat pag-awayan. Lalo na sa panahon ngayon, halatang mas mabuti talaga na mabigyan ng kaligtasan ang lahat kahit isasakripisyo man lang ang iyong kaginhawaan dahil maliit lang naman ang isasasakripisyo mo habang malaki ang isinukli nito. Sigurado akong malalampasan natin ito dahil sa nakikita ko ay nagiging mabuti naman ang sitwasyon ng pandemya dahil ang mga kahanga-hangang gawa ay nagiging ay lalong pinalaganap, pinataguyod at marami na ring sumusunod.